HINDI lang mahusay sa boxing, matindi rin sa basketball ang Quibors Boxing Camp.

NAKIISA si IBF super flyweight champion Jerwin Ancajas sa ‘Boxers Day 3-point-shootout’ na inilarga ni GAB Chairman Baham Mitra (kaliwa).

NAKIISA si IBF super flyweight champion Jerwin Ancajas sa ‘Boxers Day 3-point-shootout’ na inilarga ni GAB Chairman Baham Mitra (kaliwa).

Nangibabaw ang mga fighter ng Quibors laban sa Olivetti Boxing Stable sa playoffs para makopo ang kampeonato sa “King of Threes” Boxers Day special edition three-point championship kamakailan sa Taft Food at the Court sa Pasay City.

Nagtabla ang tropa ng Quibors at Olivetti sa elimination round ng five-player, three-round shootout sa parehong nakubrang 21 puntos. Inorganisa ang Boxers Day ni Games and Amusement Board (GAB) Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra, sa pakikipagtulungan ng Subic Bay Development and Industrial Estate Corp. (SUDECO) na pinumumunuan ni Atty. Paul Elauria.

Romualdez, pinasalamatan tennis player na si Alex Eala

Nakiiisa rin si International Boxing Federation (IBF) super flyweight champion Jerwin Ancajas sa individual category at nakaiskor ng pitong puntos.

Pumuwesto ang Highlands Boxing Stable sa ikatlo na may 18 puntos sa eight-team tournament na nilahukan ng mga local fighters, promoters at media.

Magkasosyo sa ikaapat na puwesto ang guest media team TOPS (Tabloid Organization in Philippine Sports) at Elorde Boxing Stable na tumapos na may 15 puntos. Nakiisa rina ng Survival Camp (14 points), Gandeza-Kambal Kamao (14 points) at Hardstone (8 points).

“GAB is thankful to SUDECO and Atty. Elauria for giving our boxers the opportunity to get together and play basketball in a friendly competition,” pahayag ni Mitra