PAGDATING sa pangangarera ay nag-iiba ang ugali ni Sam Milby, dahil wala siyang pinalalampas na sandali para hindi makamit ang titulo. Lagi siyang nananalo.

Sam

Kung hindi pa siguro siya nagkaroon ng aksidente ay hindi niya titigilan ang motorcycle sports, na kinahiligan din niya ay lagi rin niyang napapanalunan.

At nitong weekend ay may bagong tropeong idinagdag si Sam sa kanyang mga koleksiyon, dahil nakamit niya ang Fastest Lap Celebrity Class trophy sa Vios Cup 2018.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Bukod sa titulo ay binigyan din siya ng dalawang special award, ang Petron XCS Xcitement Award at Coolest Driver, kaya naman ang saya-saya ng aktor.

Nakalaban ni Sam sina Troy Montero at Fabio Ide sa nasabing Vios Cup 2018.

Kuwento sa amin ng kasama ni Sam, ang saya-sayang umuwi ng aktor dahil sa bagong achievement nito.

Siguro mas masaya si Sam kung may girlfriend siyang pag-aalayan nito. Ha, ha, ha!

Pero sabi naman niya sa nakaraang Halik mediacon, hindi siya nagmamadaling magkaroon ulit ng girlfriend, dahil magiging abala siya sa serye nilang Halik.

Mapapanood na sa Agosto 12 ang Halik, mula sa RSB unit, kasama sina Jericho Rosales, Yen Santos, at Yam Concepcion.

-REGGEE BONOAN