TARGET ng lokal na pamahalaan ng Siargao na maabatan ang suliranin sa malnutrisyon sa mga kabataang naninirahan sa fishing villages sa pamamagitan nang malawakang programa sa pangkalusugan sa susunod na apat na buwan.

MATUGAS: PHOTO

MATUGAS

Sa pakikipagtulungan ng United States-based charitable organization ‘Risen Savior Missions’, ipinahayag ni Surigao del Norte 1stDistrict Representative Francisco Jose “Bingo” Matugas na target ng programa na mabigyan ng masustansiyang pagkain ang may 2960 kabataan mula sa 37 barangay at siyam na munisipyo ng Siargao.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Naisagawa na ang unang yugto ng programa nitong Marso na tinawag na  “Himsog na Bata, Bagtik na Siagaonon” na naglalayong mapigilan ang tumataas na bilang nang mga batang nakakararanas ng gutom, kabilang ang mga nasa edad 2 hanggang 6.

 “As we prepare for food security and the development of Siargao, it is also paramount that we address malnourishment in our communities to ensure our children’s ability to grow healthy and to succeed in their studies. They are the future of the island, after all,” pahayag ni Matugas.

Sa pakikipagtulungan rin ng iba pang Local Government Units (LGUs) at nangh pamahalaang panlalawigan ng Surigao del Norte, sinabi ni Matugas na inihahanda ng ‘Risen Savior Mission’ ang scientifically-formulated “Manna Pack,” --  pagkain na tinatampukan ng ‘fortified rice’ na may kasamang manok, itlog, karne ng baboy, isda at gulay tulad ng malunggay.

Isasagawa ang feeding program tatlong araw sa loob ng isang linggo simula sa Agosto 12.

Iginiit ni Wilfredo Valencia, kinatawan ng Risen Savior Missions sa bansa, na aktibong umaayuda ang kanilang organisasyon sa mga malalayong lalawigan sa bansa, kabilang na ang Siargao sa nakalipas na 12 taon.

Sa kasalukuyan, may kabuuang 1,000 feeding sites ang naitayo ng ‘Risen Savior Missions’ sa Pilipinas, Zimbabwe at Haiti.

Aniya, batay sa kanilang pg-aaral, mataas ang bilang ng mga batang may malnutrisyon sa mga barangay at komunidad na malapit sa dalampasigan at ang pangingisda ang tanging ikinabubuhay ng pamilya.

“This is where we would like to help. What we need from the volunteers and the LGUS is their commitment and dedication to the program. Siargao, thru the program of Rep. Matugas, is willing to respond to this important mission,” pahayag ni Valencia.

Igiiit ni Valencia na ang Siargao feeding program ng Risen Savior Missions, sa pakikipagtambalan kay Rep. Matugas ay isinasagawa nab ago pa mang nilagdaan ng Pangulong Duterte ang Republic Act No. 11037 o kilala bilang ‘Masustansyang Pagkain Para sa Batang Pilipino Act.’