GAGANAP na journalist sa pelikulang Kaibigan si Presidential Communications Operations Office (PCOO) Assistant Secretary Mocha Uson.

Mocha copy

Ang Hollywood actor na si Stephen Baldwin ang bida sa nasabing pelikula, tungkol sa negatibong epekto ng illegal drugs sa sarili at sa pamilya ng gumagamit nito.

Sinabi ni Mocha na wala siyang tatanggaping talent fee sa pagganap niya sa Kaibigan, at tinanggap niya ang role para ipalaganap ang masamang dulot ng droga at bisyo.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

“I would be myself, kasi ganun naman ang ginagawa ko sa social media, bringing good news. Ang sa akin kasi kung ano ‘yung magbibigay ng positibo, ng good news dito sa bansa natin, susuportahan natin. Kasi ang mga Pilipino uhaw ‘yan sa good news, kaya nga nakatutok ‘yan sa social media. And kung maganda naman, positibo naman ‘yung movie, inspirational, susuportahan natin,” pahayag ni Mocha.

Kasama rin sa cast ng Kaibigan si Jean Garcia, ang Perkins twins na sina Jesse at Christian, at si Alvin Anson. Si Cesar Montano naman ang magdidirek ng pelikula, na planong ipalabas sa September.

-NITZ MIRALLES