KASAMA pala sa teleseryeng Halik si Ria Atayde. Hindi kasi naisama ang pangalan niya sa press release na ipinamahagi sa media conference kamakailan ng nasabing serye.

Sa ikaanim na linggo pa lalabas si Ria, at hindi pa niya matukoy kung ano ang magiging karakter niya. Ang sigurado lang ay sa kumpanya ni Jericho Rosales siya magtatrabaho, at hindi siya other woman sa serye. Bukod kay Jericho, bida rin sa Halik sina Sam Milby, Yam Concepcion, at Yen Santos.

Anyway, bukod sa pagiging artista ay negosyante rin ang aktres, at kasosyo niya ang long-time friend at kapwa niya aktor na si Joseph Marco sa bago niyang business.

Kaya pala parati silang tinutukso dahil lagi silang magkasama, iyon pala ay may negosyo silang inaayos.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Birong hirit namin sa dalaga, hindi ba sila nagkaka-developan ni Joseph gayung ilang taon na rin silang madalas na magkasama? Hindi niya kami sinagot. Ha, ha, ha!

Tanda naming sinabi ng aktres sa dinner bago tumuloy sa celebrity screening ng Buy Bust na wala siyang boyfriend.

“Wala po, eh. Hindi puwede kasi busy,” sagot ni Ria.

Samantala, kamakailan ay ini-launch na nina Ria at Joseph ang first venture nilang Eyebrow Salon sa Ayala Feliz Mall sa Marcos Highway.

Ayon kay Ria, franchise partnership ang business nila ni Joseph, na kaklase niya noong high school.

“Franchise partnership. Joseph Marco, myself and his high school classmate, Klarisse Tabao. Joseph invited me to partner up with them,” sabi ni Ria.

“We work on eyebrows and lashes since that’s something that people really do now. So eyebrow micro blading (3D, 3D+Ombre, Ombre), Keratin Lash lift, and threading (all parts).

“Then now, we’re pioneering in the BB Cream thing na semi-permanent foundation. Korean technology.

“Our partner Klarisse studied these things in Singapore, Japan, Korea, Canada, and London among other places. She started the main company 2015. Then started the partnership in Feb of this year.”

Hindi naman kataka-taka na mahilig din sa negosyo si Ria, dahil negosyante ang mga magulang niyang sina Art Atayde at Sylvia Sanchez.

Kamakailan nga ay nagbukas din ng Skin & Beyond by Beautederm si Ria, kasosyo ang nanay niyang si Sylvia at mga kaibigan, sa Butuan City na matatagpuan sa Lifescale Building J.C. Aquino Avenue.

Pawang pampaganda ang negosyong pinasok ni Ria dahil ito raw ang m

-REGGEE BONOAN