MAITUTURING bang sheer coincidence lang na sa tuwing si Jaya ang uupo bilang pinunong hurado sa “Tawag ng Tanghalan” sa It’s Showtime ay may contestant na naliligwak?Siya lang ang may pinakamaraming kalahok na nabibiktima ng gong. There was a time na hindi lang isa kundi dalawa of the same day ang umuwing luhaan dahil naging biktima ng kinatatakutang gong.

Jaya

Marami ang pumupuna sa pagiging masyado umanong harsh ni Jaya sa mga contestant. Dapat din daw niyang isaalang-alang na ang mga kalahok ay walang formal training sa pagkanta. May suhestiyon na sa halip na tatlong daliri ang kanyang itaas ay bakit hindi gawing lima bago ang gong?In fairness, very apologetic si Jaya, pero pinaninindigan niya ang kanyang nagiging desisyon.

“It is a job I have to do,” sabi niya.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Lagi rin niyang hinihikayat ang mga na-gong na magpraktis at pumili ng kantang madaling maka-relate ang audience. At huwag kakabahan dahil makakaapekto ito sa kanilang performance.

-Remy Umerez