BULUNG-BULUNGAN sa showbiz na sinabotahe ang pelikulang The Lease, na first title role ni Garie Concepcion kasama ang Italian actor/director na si Ruben Maria Soriquez, handog ng Utmost Creatives. Nagkaroon ng premiere night ang pe l i kul a sa SM Megamall nitong Hulyo 17.

Garrie copy

Dapat sana ay nitong Hulyo 25 ipalalabas a n g The Lease , kasabay ng Kusina Kings at Mission Impossible Fall Out, na hindi rin namin napansin kung hindi pa namin naringgan ang nakasabayan namin sa Gateway Mall nitong Huwebes, na hinahanap ang pelikula ni Garie. Sinagot siya ng takilyera na hindi raw ito palabas. Isang pelikulang Pilipino lang ang nagbukas nang araw na iyon, ang Kusina Kings nina Zanjoe Marudo at Empoy Marquez.

Kaya tinawagan namin ang in-charge sa The Lease at nagpaliwanag siya sa amin: “Nagtataka nga rin kami bakit hindi naipalabas. Wala pa akong detalye, eh.”

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

Samantala, tinext namin ang handler ni Garie na taga-Cornerstone Entertainment, Inc. pero hindi kami sinagot habang tinatapos namin ang balitang ito.

Base naman sa panayam ng PEP sa aktres ay nagpahayag ito ng pagka-dismaya.

“My apologies if I will not be able to give exact details as to why our playdate was moved. I think it would be best to talk to our producer about this,” sabi ni Garie.

“I personally feel bad for our supporters who waited yesterday (July 25). We are sorry po for this. One thing I can guarantee is that we will have a new playdate next month so I hope everyone can patiently wait and continue to give us the same love and support.”

Hmm, naniniwala kaming may malalim na kuwento kung bakit hindi naipalabas ang The Lease. Paging the producer of the movie.

-Reggee Bonoan