Patay ang dalawang minero matapos umanong makalanghap ng usok sa loob ng isang tunnel ng isang minahan sa Itogon, Benguet, nitong Miyerkules ng umaga.

Kinilala ng Itogon Municipal Police Station ang mga nasawi na sina Fernando Anayasan, 24, ng Bauko, Mt. Province; at Marlo Dizon, 32, ng Tuba, Benguet.

Sa police report, naganap ang insidente sa Sitio Udadan, Barangay Ampukao, Itogon, Benguet, bandang 9:00 ng umaga.

Ayon kay Itogon police commander, Chief Insp. Eugene Raymundo, pumasok ang dalawang minero sa nasabing tunnel ngunit pagsapit ng tanghali ay hindi pa rin sila lumalabas ang mga ito para mananghalian.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nang hanapin ng mga kasama, nadiskubreng nakahandusay ang mga biktima sa loob ng minahan.

Tinangka pa silang isugod sa ospital, ngunit binawian din ng buhay.

Ayon sa awtoridad, posibleng nakalanghap ng usok ang mga biktima sa loob ng tunnel at ikinamatay ng mga ito.

-Fer Taboy