MULING sasabak sa ibayong dagat si dating OPBF super flyweight champion Rene Dacquel sa pagharap kay South African titlist Yanga Sigqibo para sa bakanteng WBC International junior bantamweight title sa Hulyo 27 sa East London, Eastern Cape, South Africa.

Galing sa pagkatalo si Dacquel sa hometown decision kay WBA Oceania super flyweight champion Andrew Moloney na umagaw sa kanyang OPBF crown noong nakaraang Pebrero 24 sa St. Kilda, Melbourne, Australia.

“Kailangang patulugin ko ang South African dahil mahirap manalo sa puntos doon,” sabi ni Dacquel na nakalista pa ring No. 8 sa IBF at No. 15 sa WBC sa super flyweight division.

May kartada si Dacquel na 20-7-1 na may 6 na panalo.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Natamo niya ang bakanteng OPBF title nang patulugin si Ratchanon Sawangsoda sa Bacolod City noong 2016 at naipagtanggol niya ang tiulo sa mga Hapones na sina Go Onaga, Shota Kawaguchi at Hayato Kimura sa mga laban sa Japan bago natalo kay Moloney.

May rekord naman si Sigqibo na 10-1-1 a may 3 pagwawagi sa knockouts at hindi pa lumalaban sa labas ng South Africa.

-Gilbert Espeña