PH Team, umarya sa walong ginto; korona sa girls basketball napanatili

KUALA LUMPUR, Malaysia – Hindi nabakante ang Team Philippines sa apat na araw na pakikibaka matapos humablot ng karagdagang tatlong ginto, isang silver at bronze sa pagpapatuloy ng aksiyon nitong Miyerkules sa 10th ASEAN Schools Games sa Mini-Stadium sa Bukit Jalil.

PALUHOD na ibinalik ni Mikaela Joy De Guzman ang service play ng karibal mula sa Indonesia sa kaagahan ng kanilang laro sa girl's singles elimination, habang sumirit sa huling ratsadahan si Jessel Lumapas (kanan) para pagbidahan ang 200-meter run nitong Martes – ikalawang gintong medalya – sa 10th ASEAN Schools Games sa Kuala Lumpur, Malaysia. (PSC PHOTOS)

PALUHOD na ibinalik ni Mikaela Joy De Guzman ang service play ng karibal mula sa Indonesia sa kaagahan ng kanilang laro sa girl's singles elimination, habang sumirit sa huling ratsadahan si Jessel Lumapas (kanan) para pagbidahan ang 200-meter run nitong Martes – ikalawang gintong medalya – sa 10th ASEAN Schools Games sa Kuala Lumpur, Malaysia. (PSC PHOTOS)

Matapos ang impresibong ratsasa na nagresulta ng limang gintong medalya sa unang tatlong araw ng kompetisyon, humarurot ang batang hurdler, Youth Olympic-bound table netter at ang reignin girls basketball team para mahila ang produksyon ng Nationals sa walong gintong medalya sa taunang torneo na naglalayong mapalakas ang ugnayan at pagkakaibigan ng ASEAN nations sa pamamagitan ng school sports.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Napalinya ang 17-anyos na si Eliza Cuyom sa listahan ng athletics team medallists nang pagbidahan ang 100-meter hurdles sa tyempong 14.45 segundo laban kina Liza Putri Ramandha ng Indonesia (14.76) at Halimatul Saadia Binti Mohammed Raja ng Malaysia (15.52).

Pinanday ng Nazareth School of National University, ang Grade 12 na si Cuyom ay determinadong tapusin ang kanyang kampanya sa torneo sa impresibong pamamaraan.

Ginapi naman ni Filipino table paddler Jann Mari Nayre, unang Pinoy na nagkwalipika sa 2018 Youth Olympic Games sa Buenos Aires, Argentina sa Agosto, si  Josh Chua Shao Han ng Indonesia, 3-1, sa boys singles titular showdown sa SJK Kong Hoe Hall in Klang.

Sa Gem in Mall sa Cyberjaya, kinumpleto ng girls basketball team ang four-game sweep nang pabagsakin ang Singapore, 80-42, para sa back-to-back championship.

Kasalukuyang nasa ika-anim na puwesto sa overall medal standings ang Team Philippines tangan ang walong ginto, siyam na silver at 14 bronze medal.

Sa Darul Eshan Aquatic Centre sa Shah Alam, sumisid din ng bronze medal sina Filipino tankers Jerard Dominic Jacinto at Samantha Therese Coronel sa boys and girls backstroke events ng swimming.

Nakuha ni Jacinto ang tyempong 57.72 segundo, may .53 segundo ang layo sa record winning time ni Indonesian Farrel Armandio Tangkas ng Indonesia (57.25) sa boys 100m backstroke. Pangatlo ang Indonesian ding si Dwiki Anugrah (58.13).

Tumapos naman sa podium si Coronel sa 100m girls backstroke.