Isang araw matapos ang ikatlong State-of-the-Nation Address (SONA) ni Pangulong Duterte kahapon, magpapatupad ng big-time oil price rollback sa bansa ngayong Martes.

Pinangunahan ito ng Pilipinas Shell at PTT Philippines, na nagsabing ipatutupad ang nasabing price adjustment dakong 6:00 ng umaga ngayong araw.

Nagbawas ang mga ito ng P1.25 sa kada litro ng kerosene, P1 sa diesel, at 70 sentimos naman sa gasolina.

Asahan na rin ang pagsunod ng iba pang kumpanya ng langis sa kahalintulad na bawas-presyo sa petrolyo, na bunsod ng pagbaba ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

National

Dalawang kabaong na nakahambalang sa NLEX, nagdulot ng trapiko

-Bella Gamotea