MACAU – Nakabangon mula sa 17 puntos na paghahabol ang Team NLEX para maitakas ang 88-78 panalo kontra Xinjiang Flying Tigers nitong Huwebes sa Asia League Super 8 sa Macao East Asian Games Dome.

Hataw si JR Quinahan sa naiskor na 18 puntos, tampok ang 11 sa fourth quarter para magapin ang liyamadong karibal. Nag-ambag si Kenneth Ighalo ng 17 puntos at apat na boards, habang tumipa si Mac Tallo ng 12 puntos sa second half.

Nanamlay ang opensa ng Road Warriors sa second quarter, sapat para makalayo ang Flying Tigers sa 45-28 mula sa 20-all deadlock.

Sa second half, nakabawi ang Road Warriors at sumambulat sa bawat possession para maitarak ang 31 puntos laban sa 10 ng karibal para agawin ang bentahe sa 64-59.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Bunsod ng panalo, nakausad ang NLE sa semifinals.

Nanguna sa Xinjiang si Sun Tonglin na may 16 puntos, pitong assists at limang rebounds.

Iskor:

NLEX (88) – Quinahan 18, Ighalo 17, Tallo 12, Rios 8, Taulava 8, Miranda 6, Monfort 5, Soyud 5, Marcelo 4, Buenafe 3, Tiongson 2, Baguio 0.

XINJIANG (78) – Sun 16, Liu 13, Tang 11, Wang 11, Jiang 10, Deng 8, Hou 4, Pai 3, Han 2.

Quarters: 20-20, 33-49, 64-59, 88-78.