KAHIT sanay na si Alden Richards na ma-bash sa kung anu-anong issue, hindi niya naiwasang sagutin ang tungkol sa pagganap niya bilang superhero sa bago niyang action-drama-fantaserye na Victor Magtanggol.

Alden

Hindi maiaalis na malaki ang expectations ng mga manonood kung ano ang ipakikita ng Kapuso actor, na dumaan sa mga physical training, tulad ng parkour, para mapaganda ang kanyang katawan. Mayroon ngang isang writer na nagsulat na sa bigat daw ng costume ng superhero, hindi na makatakbo si Alden.

Pero na-explain na iyon ni Alden. Sinabi niyang magaan lang ang costume niya sa Victor Magtanggol na gawang Pinoy. At may mga positive naman ang feedback nang makita siyang nakasuot na ng superhero costume.

Kalokalike ni Awra Briguela, mas maganda pa raw sa kaniya

“Healthy naman ako at fit kaya lang on TV, times 25 ang nakikita,” sabi ni Alden sa interview. “Kailangan ng extra adjustments pa kasi siyempre we’re more visual. It’s more of the TV that they see, not the person, so adjust tayo roon. Hindi naman po ako nasasaktan dahil alam ko ang mga limitasyon ng sarili kong katawan.

“I don’t really mind kasi kung saan ako kumportable sa katawan ko, doon ako. Hindi naman ako papuntang body builder if that’s what they want me to do. I don’t really mind comments about my weight anymore. Nasanay na po ako sa mga komentong ganoon.

“People who say those kinds of stuff to you, they are projecting ‘yung insecurity nila towards you. Sila sa sarili niya, they’re insecure. Madali kasing sabihin na huwag pansinin, pero you really have to find your core to be able to endure those kinds of comments kasi hindi madali, eh. It’s not easy but it’s tolerable.

“Kaya mo namang i-train yung feelings mo to not feel hurt when you hear those kinds of comments. Pero nagpapasalamat po ako sa mga positive comments and feedbacks na natatanggap ko, lalo na tungkol sa costume ko, kaya inspirado akong mag-taping.”

Mapapanood na sa July 30 ang Victor Magtanggol, sa primetime block ng GMA 7.

-NORA V. CALDERON