WALA na yatang katapusan ang mga isyung ibinabato kay Kris Aquino. Pagkatapos ng isyung hindi kumita ang pelikulang I Love You, Hater, ang personal jokes naman ni Kris sa mga taong malapit sa kanya, tulad ng make-up artist niyang si RB Chanco, at personal assistant na si Jack Salvador, ang binigyan ng kulay ng bashers.

Kris copy

May follower si Kris na si @leecoj88888888 na hindi naming alam kung kaya lang niya pina-follow ang Queen of Online World at Social Media ay para hanapan ng butas at punahin sa lahat nang ginagawa nito.

Post ni @leecoj88888888: “UTANG NA LOOB kahit friends kayo ni @rbchanco bakit mo pinapahiya ‘yung tao na sabihin that you would only be flattered to be compared to RB if she had her teeth fixed and you even made disparaging remarks about RB’s look without makeup. Even if you are ‘friends’, do you have to publicly humiliate her?

Tsika at Intriga

Julia Montes banas sa tinulungan noon, sinisiraan na siya ngayon

“You also did that to @jacksalvador inside the elevator at ABS commenting on camera that jack should not make siksikan and take the next lift instead because he’s too big.

“I’m sure this Jack does not mind because you are ‘friends’. I’m sure you would say I’m bashing you. But for someone who is outspoken herself you must know how to separate the chaff from the grain.”

Pinalagan ni Kris ang sinabing ito sa kanya ni @leecoj88888888, pero sa halip na sagutin ay kay RB Chanco siya nag-message.

Aniya, “@rbchanco I love you and you also know how Bimb defends you. And I will never forget na ikaw yung tumatayo para tulungan si kuya mag-bathroom that’s what this person didn’t see—na roommate ka na namin & just as simple as that—FAMILY na tayo.

“Hindi rin nila alam kung paano mo ko direchuhin tungkol sa love life & pagtripan pag may bagong playlist dahil alam na may nangyari na naman with quiet na tayo.

“Hanap muna ako ng lilipatan sa Makati. I love you with my whole #rbeautified being.”Sinagot nang diretso ni RB Chanco si @leecoj88888888: “I have been working with Kris for the past 8 years, and more than that we are close friends. There’s really no need to be upset, because I’m NOT AT ALL OFFENDED.

“If you can get to know her, you will definitely change your perception of her. And you will get to know her good heart.

“Love you Kris. Between you and me, kung alam lang nila, bawing-bawi na ako and unfortunately, these are things I can’t share here because ‘yung closeness natin, we have our secrets worth an investment that we have to guard it with our lives and keep it with love.”

Sumagot din ang personal assistant ni Kris na si Jack, na parang gigil si @leecoj88888888 at sabay imbita na manood sila ng I Love You, Hater.

Sabi ni Jack kay @leecoj88888888: “Hi mam/sir bakit po parang galit na galit ka naman sa post mo? Pwede po bang relax po tayo and pwede bang kapayapaan na lang po?

“Yung mga ganun banat ni Madam lambing at biro niya po un kasi ibig sabihin mahal niya ‘yung tao.

“Kahit naman po siguro kayo pag naglalambing or nakikipagbiruan sa mga friends n’yo kulitan minsan. ‘Wag po tayo masyadong sensitive at mag-react.

“If you want invite na lang kita for a special movie date with @krisaquino para makita at makilala mo din siya. Positivity lang tayo :)”

Sinasang-ayunan namin ang mga pahayag nina RB Chanco at Jack Salvador dahil maski paano ay nakilala na rin namin si Kris noong nasa ABS-CBN pa siya.

Totoong taklesa siya at napansin namin na kapag gusto niya ang isang tao, kung anu-ano ang nakikita niya at diretsahang sasabihan ka maski maraming tao.

Ang mga taong pinupuna ni Kris ay natatawa na lang sa kanya at hindi pinapansin kaya lakas-loob kaming nagtanong sa kanila kung bakit sila natatawa.

“Love kasi kami ni Madam. Kapag ganyan siya, lambing niya ‘yun, meaning gusto ka niya. Kung hindi ka niya pinapansin maski na nasa harapan ka niya, ibig sabihin hindi ka nag-e-exist o sabi nga niya, ‘carebears.’”

Tama si Jack, mag-relax at puro kapayapaan na lang muna.

-Reggee Bonoan