Laro Ngayon

(Araneta Coliseum)

7:00 n.g. -- Alaska vs SMB

PORMAL na mawalis ang semifinals series laban sa Rain or Shine ang target ng San Miguel Beer sa paglarga ngayon ng Game 3 ng best-of-five semifinal match up sa 2018 PBA Commissioners Cup sa Ynares Sports Center sa Antipolo City.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Lumapit ang reigning champion Beermen sa finals matapos makamit ang 2-0 bentahe sa serye matapos talunin ang Elasto Painters nitong Lunes, 105-94.

Aasang muli para makumpleto ng Beermen ang misyon sina import Renaldo Balkman at reigning league MVP Junemar Fajardo kabalikat sina Marcio Lassiter, Chris Ross, Alex Cabagnot at Arwind Santos.

Tatangkain nilang mapigilan ang anumang pagbangon nina Alaska stars Vic Manuel, JV Casio, Jeron Teng , Sonny Thoss at import Diamon Simpson para makumpleto ng No.6 seed ang upset laban sa No.2 seeded na Aces.

Hangga’t maaari, gusto ng Beermen na tapusin na ang laban kaya sisikapin nilang magawa ito para makapagpahinga at mapaghandaan ang Finals.

“ Kailangan naming maging ready sa Game 3.Di kami puwedeng mag relax,” ani Fajardo. “ Kailangan na naming tapusin ito kung maaari.”

-Marivic Awitan