Hawak na ng awtoridad ang umano’y lider ng Lupeña Drug Group makaraang salakayin ang pinagtataguan nito sa Muntinlupa City, kahapon.

Iniharap ng Muntinlupa City Police Station (MCPS) ang suspek na si Christina Lupeña, 52, lider ng Lupeña Drug Group, at high value target sa lungsod.

Kilala si Lupeña sa pagbebenta ng ilegal na droga sa Muntinlupa City at gumagamit ng mga bata sa pagdi-deliver ng ilegal na droga.

Si Lupeña ang sinasabing nasa likod ng batang nahulihan ng P200,000 halaga ng shabu habang sakay ito sa school bus sa nasabing lungsod.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Lima hanggang anim na bata, na umano’y ginagamit ni Lupeña sa ilegal na operasyon, ang nasa pangangalaga na ngayon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Nakakulong ang suspek at kinasuhan ng paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

-Fer Taboy