IGINIIT ni Philippine Weightlifting Association (PWA) president Monico Puentevella na kailangan ng mga batang weightlifter ang exposure sa Asian Games para makondisyon ang kaisipan tulad ni Olympic silver medalist Hidilyn Diaz.

Dahil dito ay muling irerekumenda ni Puentevlla ang apat na pambato ng PWA para makasama sa listahan ng mga atletang sasabak sa Asian Games ngayong Agosto 18 hanggang Setyembre 2 sa Palembang, Indonesia.

Ang apat na weigthlifters na nais ni Puentevella na isama sa Asiad ay sina Elien Rose Perez, Ma. Dessa Delos Santos, Elreen Ann Ando at si Jeffrey Garcia na unan nang naiwan sa listahan ng 272 atleta na sasabak patungong Indonesia.

Sa kasalukuyan, tanging si 2016 Rio de Janeiro silver medalist Hidilyn Diaz ang siguradong pambato ng bansa sa nasabing quadrennial meet, kasama sina Nestor Colonia at Kristel Macrohon.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“You cannot produce an Olympic medalist if you don’t expose them against the best competitors in weigthlifting,” ayon sa dating Philippine Sports Commission (PSC) commissioner na si Puentavella.

Samantala, naniniwala naman si PSC commissioner Ramon Fernandez na kailangan pang mas hubugin nang husto ang apat nabanggit na mga weightlifters, upang mas lalo umanong maging matibay sa pagsabak sa mga hinaharap na kompetisyon.

“Expose muna nila sa mga international events, and when they reach a certain level of performance then send to IOC events,” pahayag ni Fernandez na kababalik lamang buhat sa Amman Jordan matapos samahan ang grupo ng bagong National Sports Association (NSA) na Karate Pilipinas na humingi ng pagkilala sa World Karatedo Federation (WKF).

-Annie Abad