Isang pampublikong paalala kung paano maiiwasan ang rape ang nagpainit ng ulo ng netizens nitong Martes ng gabi, at inulan ng batikos ng ilang women rights group dahil malinaw umanong sinisisi pa ng pulisya ang mga biktima ng rape sa halip na ang suspek.Viral ngayon sa Facebook ang “10-item tips” na ipinost ng Angono Municipal Police bandang 6:00 ng gabi nitong Martes. Ibinahagi ito ng isang social media user at nag-viral makalipas ang ilang oras.

Kahapon ng tanghali, umabot na sa 2,300 ang reactions at may 4,300 shares ang nasabing post.

Binatikos ng #BabaeAko campaign, isang social media underground movement, ang nasabing post dahil umano sa ‘tila pagsusulong nito ng “victim-blaming” sa halip na bigyang-diin na hindi dapat gawin ang panggagahasa.

“Items 2 and 4 look problematic in the list. We should write to the Angono Police that this [tips] do not help because men will be able to justify that women are to be blamed for wearing revealing clothes or drinking,” komento ng #BabaeAko.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“We should also tell them it is not enough that women should protect themselves, and if they fail to follow these tips and get victimized, they are still the ones who should take the blame for their shortcomings,” giit pa ng grupo.

Kinuwestiyon din ng grupo ang Angono Municipal Police kung may iba itong bersiyon sa kung paano at bakit dapat irespeto ng mga lalaki ang mga babae at mga transwoman.Bagamat marami ang sumang-ayon sa sentimyento ng grupo, ipinagtanggol naman ng ilan ang nasabing himpilan ng pulisya, habang sinabi ng ilan na saklaw ng “tips” ang lahat ng kasarian.

Para sa Facebook user na si Carol Peralta: “Wala namang masama kung susundin. Nakakalungkot lang bakit parang iba ang pagkakaintindi nila. Para sa atin din namang mga babae ‘yan kasi tayo ang prone sa ganitong krimen.”

Samantala naglabas naman ng kanyang komento sa Twitter si Bayan

-Martin A. Sadongdong