SA napakamatagumpay na pelikulang Black Panther ng Marvel na ipinalabas ngayong taon, isa sa mga major surprises ay kung paano na-stole ni Shuri, ang tech genius na kapatid ng superhero, ang show. Ngayon ay magkakaroon na siya ng sariling comic book series.

Letitia copy

Inihayag ng Marvel Comics ang spin-off series, na sisimulan sa Oktubre, kung saan nawala ang Black Panther sa space dahil sa isang misyon, at si Shuri ang tumayong kapalit ng kanyang kapatid, sa kanilang mythical home nation na Wakanda.

“The world fell in love with Shuri in the movie. Now, the Black Panther’s techno-genius sister launches her own adventures,” lahad ng publisher.

Tsika at Intriga

Vlogger kinuyog dahil sa okray kay Chelsea Manalo, biglang kambyo

Nakatanggap ng samu’t saring papuri ang British-Guyanese actress na si Letitia Wright para sa kanyang pagganap bilang si Shuri sa smash hit film, na sinang-ayunan din ng mga kritiko na isang groundbreaking moment para sa mga black sa silver screen.

Kahit na hindi si Shuri ang unang black heroine sa Marvel universe — si Storm, isa sa X-Men, ay ilang dekada nang kinikilala ng publiko – bihira na magkaroon ng libro natungkol sa isang black female character.

Isusulat ng babaeng Nigerian-American sci-fi author na si Nnedi Okorafor ang Shuri. Kasalukuyan na siyang nakikipagtulungan sa Marvel para sa Wakanda Forever series, na nakatuon sa Dora Milaje, ang all-female special forces unit sa fictional nation.

Ayon sa Box Office Mojo, tumabo ang Black Panther ng mahigit $1.34 billion, kaya umarangkada sa number nine spot sa all-time box office list. Ang Avatar ang all-time champion sa kita nitong halos $2.8 billion.

-Agence France-Presse