Hawak na ng Pasay City Police ang isang kawani ng Philippine National Police (PNP) matapos umanong magpaputok ng baril sa nasabing lungsod, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang suspek na si Felicisimo Sales, Jr. y Madria, 34, Police Non Commissioned Officer (PNCO) ng PNP, at nakatira sa Tanza, Cavite.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang indiscriminate firing sa kahabaan ng Narra Street, Barangay 145, Zone 16 sa Pasay City, dakong 11:05 ng gabi.

Sa pahayag ni Sales sa awtoridad, pinigil niya sina Hidaya Macaraya at Nursima Alinajaman, kapwa nasa hustong gulang, dahil sa umano’y pagdadala ng mga ito ng ilegal na droga.

Bago pa man tuluyang makalapit ang suspek, bigla umanong nagkanya-kanyang takbo sina Macaraya at Alinajaman kaya napilitan umano siyang bumunot ng baril at nagpaputok.

Probinsya

Kawatang tumalon sa second floor, timbog matapos bumagsak sa harap ng brgy. tanod

Sa kabila ng takot, humingi ng tulong sina Macaraya at Alinajaman sa awtoridad at ipinaaresto si Sales.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente.

-BELLA GAMOTEA