Inakusahan kahapon ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang National Bureau of Investigation (NBI) ng paglabag sa kanyang karapatan sa due process sa imbestigasyon kaugnay sa umano’y pagkakasang kot niya sa Dengvaxia anti-dengue vaccine mess.

“Hindi ko naintindihan kung pano nagkaroon ng due process doon,” sinabi ni Aquino sa mga mamamahayag.

Ayon sa dating Punong Ehekutibo nagulat siya sa inilabas na findings ng NBI at paghain ng kasong kriminal nitong Lunes sa Office of the Ombudsman na nagrerekomendang kasuhan siya ng technical malversation sa ilalim ng Article 220 ng Revised Penal Code (RPC).

Sa panahon ng imbestigasyon ng NBI, ginunita ni Aquino na isang beses lamang siya nakatanggap ng subpoena para humarap sa NBI noong Mayo 25.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

“This was the only time we were required to show up. My lawyers were the ones who actually represented me. I was told that my presence was not necessary,” balik-tanaw niya.

“Tapos ang nangyari, wala nang further communcations from them. Kaya nagulat ako nung lumabas sa media,” aniya.

Idiniin ni Aquino na mahalagang inimpormahan siya ng NBI sa panahon ng imbestigsyon kung ano ba talaga ang inaakusa sa kanya.

“Fundamental kasi yung the right of the accused to know the accusation and to face the accusers,” aniya.

Binanggit ng dating Pangulo na sa pagdinig noong Mayo 25 hindi nilinaw ng NBI sa kanyang mga abogado kung ano ang mga ebidensiya laban sa kanya at kung sino ang naghain ng reklamo sa NBI.

Nasa Department of Justice (DoJ) si Aquino kahapon para maghain ng kanyang rejoinder sa preliminary investigation sa reklamong inihain laban sa kanya kaugnay sa Dengvaxia mess.

-Jeffrey G. Damicog