MASAYA ang presscon ng Harry & Patty , ang rom-com movie na pinagtatambalan nina Ahron Villena at Kakai Bautista, at produced ng Cineko Productions. Panay ang harutan ng mga bida at pansin ng press people na hanggang sa presscon, pa-fall si Ahron at flirty-flirty naman si Kakai.

Halimbawa ng pa-fall na comment ni Ahron ang pagsasabi niyang makinis si Kakai, na gusto niya ang boses nito at ‘pag kumakanta, pipikit lang siya at makikinig. Sinabi pa ni Ahron: “Hindi ako tumitingin sa panlabas na anyo as long as mabuting tao.”

“Nag-deposit ako kay Ahron,” flirty comment naman ni Kakai. Idinagdag na “in fairness to him, hindi siya manggagamit, at sana ginamit niya ako.”

Kung pa-fall si Ahron, na-fall ba siya sa aktor?

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Oo naman. Sanay na akong masabihang ilusyonada at asyumera. Nasasaktan ako, pero kunwari ‘di ako apektado. Facade ko lang ‘yun. Naging mabuti si Ahron sa akin, inalagaan ako kahit araw-araw ko siyang binu-bully.”

Showing na sa August 1 ang Harry & Patty, sa direksiyon ni Julius Ruslin Alfonso, ang direktor ng Deadma Walking. Naniniwala siguro ang mga producer ng movie na iba ang genre ng movie nina Ahron at Cacai at may pag-asa ito sa takilya, kahit kasabay ng showing ang Buy Bust at ilang Hollywood movies.

-NITZ MIRALLES