MOSCOW (AP) — Migrante mula sa Germany ang ama ni Antoine Griezmann at may dugong Portuguese ang ina nang France star forward.

NAGDIWANG ang France, sa pangunguna ni goalkeeper Hugo Lloris (tangan ang tropeo) nang gapiin ang Croatia, 4-2, para makopo ang World Cup nitong Linggo (Lunes sa Manila) sa Luzhniki Stadium sa Moscow, Russia. (AP)

NAGDIWANG ang France, sa pangunguna ni goalkeeper Hugo Lloris (tangan ang tropeo) nang gapiin ang Croatia, 4-2, para makopo ang World Cup nitong Linggo (Lunes sa Manila) sa Luzhniki Stadium sa Moscow, Russia. (AP)

Nagmula naman sa Guinea ang mga magulang ni Paul Pogba. Isang Cameroonian ang ama ni Kylian Mbappe, habang ang ina ay nagmula sa Algeria.

Migrante, mga anak ng migrante at mga apo ng migrante, nagsama-sama, kasangga ang mga tagapagmana nang mga buena-familia ng henerasyon ng France. At sa ikalawang pagkakataon, tinanghal na World Cup champion ang France.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Mistulang mini-United Nations ng soccer talent ang France na binubuo nang halos kalahati nang mga plyers na nagmula sa migranteng pamilya at mga magulang.

“That is the France that we love,” pahayag ni Griezmann, sa pamamagitan ng interpreter sa post-game interview matapos ang 4-2 panalo laban sa Croatia nitong Linggo (Lunes sa Manila).

“It’s beautiful to see it,” aniya.

Naisalpak ni Griezmann ang free kick sa harap ng depensa ni Mario Manduzkic sa ika-18 minuto bago sinundan nang goal sa penalty kick sa ika-38 minuto para sa 2-1 bentahe.

Sumagitsit naman sa bilis si Mbappe para sa ikatlong goal ng France sa ika-59 minuto. Sinundan niya ito ng isa pang kahanga-hangang goal sa oka-65 minuto. Sa edad na 19, si Mbappe ang ikalawang pinakabatang player na nakaiskor ng goal sa World Cup sa likod ni soccer legend Pele na 17-anyps noong 1958 Cup.

“The diversity of the squad is in the image of this beautiful country that is France,” sambit ni midfielder Blaise Matuidi, anak ng migrante mula sa Angola at Congo.

Sinimulan ng France ang kampanya sa maalinsangang kapaligiran at nagdiwang sa center field sa gitna nang buhos ng ulan. Taliwas ito noong 1998 sa maaliwalas na panahon sa Stade de France habang umaawit ang mga tagahanga sa arena at sa buong Paris ng “La Marseillaise”.

Tinagurian silang team “Black, Blanc, Beur,” bilang patotoo na may espasyo ang pagkakaisa ng puti, itim at North African players.

Pinangunahan noon ni Zinedine Zidane, anak ng migrante mula sa Algeria, ang panalo laban sa liyamadong Brazil. Magkasangga naman sina Patrick Vieira, nagmula sa Senegal, at Normand-born Emmanuel Petit, para sa 3-0 panalo.

Ngunit, mas malalim ang kasaysayan ng mga lahing pinagmulan ng mga kasalukuyang player ng France.

Nagmula ang pamilya ni defender Samuel Umtiti sa Cameroon, habang ang backup goalkeeper na si Steve Mandanda ay mula sa Zaire. Ilan sa mga players ang nagmula sa Algeria, Mali, Mauritania, Mococco at Senegal, haban gilan ay may lahing Germany, Italy, Portugal, Philippines at Spain.

“There may be players who come from different origins, but we do have the same state of mind,” pahayag ni Griezmann. “We all play for the same jersey, the cockerel. For our country, we give everything we have. As soon as you wear the jersey, we do everything for each other.”

“From tonight on, I’m sorry for them, but they are going to be different,” sambit ni coach Didier Deschamps. “Those 23 players will be linked forever, forever. Whatever happens — they might follow different paths, but they will be marked forever and they will be together thanks to this event.”