ISANG okasyon na napakahalaga sa buhay ng isang tao ang kasal, na ipinalalagay na dapat pag-ukulan ng pansin para maging espesyal na bahagi ng alaala.

bridal and debut roaDSHOW-PS copy

Ang alaalang ito ay magpapatunay ng pagbubuklod ng dalawang taong nagmamahalan, at kanilang tataglayin hanggang sa kanilang pagtanda.

Upang lubos na mapagtuunan ang bawat mahahalagang detalye ng kasal, at maging ng debut o pagtuntong sa 18 taong gulang o pagiging ganap na dalaga ng isang babae, minarapat ng isang samahan na ilunsad ang tatlong-araw na Kasalan at Kotilyon, a bridal and debut fair road show, na ginanap sa Pacific Mall, nitong Hulyo 13-15, 2018.

Sa loob ng dalawang dekada: Sharon, nakakabili na ng damit na bet niya

Nagsanib ang mga lokal na fashion designers, event planners, reception venue owners, at Kasal.com, katuwang ang Quezon Provincial Tourism Office para sa event.

Sina Ramil Estrope, isang fashion designer; Kasal.com President Mathel Ong; at Glaiza Torcelino, promotions staff ng Quezon Tourism Office, ang nagbigay-hudyat sa tatlong araw na exhibit.

bride 5

Ang fair road show ay nagbigay ng mga ideya at sapat na kaalaman tungkol sa mga kinakailangan ihanda para sa isang mahalagang okasyon, gaya ng kasal at debut.

Itinampok sa nasabing road show ang iba’t ibang sample ng mga kinakailangan sa nabanggit na mga okasyon, katulad ng disenyo para sa gown, venue decorations, imbitasyon, at souvenir items.

Handog ng road show ang mga kinakailangang ideya ng mga ikakasal at magde-debut, na kadalasang abala sa trabaho at pag-aaral, upang matiyak na magiging espesyal at hindi malilimutan ang idaraos na okasyon.

-Sinulat at mga larawang kuha ni DANNY J. ESTACIO