Pacquiao, muling nakapanalo ng TKO matapos ang isang dekada

KUALA LUMPUR – ‘Tila may dalang suwerte si Pangulong Rodrigo Duterte kay Manny Pacquaio.

PATUNGO sa kanyang corner si Manny Pacquiao, habang nakaluhod sa isang paa ang karibal na si Lucas Matthysse ng Argentina sa kaagahan ng kanilang 12-round title fight sa Kuala Lumpur, Malaysia kahapon. (AFP)

PATUNGO sa kanyang corner si Manny Pacquiao, habang nakaluhod sa isang paa ang karibal na si Lucas Matthysse ng Argentina sa kaagahan ng kanilang 12-round title fight sa Kuala Lumpur, Malaysia kahapon. (AFP)

Sa harap ng kanyang mga kababayan at boxing fans kabilang sina Pangulong Duterte at Malaysia Prime Minister Mahathir Mohamad, muling tinanghal na kampeon ang Pambasang Kamao sa impresibong 7th round TKO win kontra Lucas Matthysse ng Argentina, kahapon sa dinumog na 9,000-seater Axiata Arena dito.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Napabagsak ni Pacquiao si Matthysse sa ikatlong round sa isang solid uppercut at muling pinangalog ang tuhod ng karibal sa ikalimang round. Sa ikapitong round, hindi tinantanan ng 38-anyos na si Pacman ang Argentinian champion upang muling mapaluhod, sapat para itigil ng referee na si Kenny Bayless ang laban.

Opisyal na naitala ang technical knockout may 2:43 sa 7th round at nakamit ni Pacquiao ang panalo sa unang pagkakataon sa nakalipas na isang dekada sa pamamagitan ng knockout. Huling nakapanalo ang senador ng parehong stoppage noong 2009 nang pasukuin niya si Miguel Cotto sa 12th round ng kanilang WBO welterweight title showdown.

“I was surprised because Matthysse is a very tough opponent and I knocked him down,” pahayag ni Pacquiao, naghanda sa laban sa wala ang hall-of-famer trainer na si Freddie Roach. “So that’s a bonus from being focused and patient in the fight and working hard in training camp.”

Kaagad namang nagbigay ng papuri si Matthysse, natalo sa ikalimang pagkakataon sa 44 career fights, sa boxing icon.

“He’s a great fighter. He’s a great champion. You win some, and you lose some. Today was my turn to lose, but I lost to a great fighter and a great legend in Manny Pacquiao,” pahayag ng Argentinian.

“The fight has taken place. I lost, but I walk away with my head raised. I’m sorry to Argentina, but I’m fine,” aniya.

Nahila ni Pacquiao ang matikas na marka sa 60-7-2, tampok ang 38 KOs. Ngunit walang malinaw na pahayag ang eight-division world champion sa susunod na laban.

“That’s another story and another discussion. Right now I’m happy to go back to my country in the Philippines and to celebrate my victory and of course with my fellow countrymen, doing my job as a public servant,” pahayag ni Pacquiao, na sumasabak sa mga laban sa nakalipas na mahigit dalawang dekada.

“We’re planning for that [returning this year]. But we haven’t decided yet. Right now my focus is to go back to my country and relax.”

Inaasahan ang hero’s welcome para kay Pacquiao, na naisuko ang titulo kay Jeff Horn ng Australia noong nakaraang taon.