Ipinagpaliban kahapon ng Sandiganbayan ang pre-trial sa kasong plunder ni dating senador Juan Ponce Enrile kaugnay ng Priority Development Assistant Fund (PDAF) scam

Ito ay matapos sabihin ng prosecution at ng mga abogado ni Enrile na hindi pa tapos ang pagmamarka ng mga ebidensiya na gagamitin sa kaso.

Bunsod nito, binigyan ng korte ng 30 araw ang kampo ni Enrile para tapusin ang pagmamarka ng mga ebidensiya, at itinakda ang panibagong pre-trial sa Agosto 31.

Ang dating Senate President ay kinasuhan plunder sa Sandiganbayan noong 2014 dahil sa diumano’y pagkamal ng P172.8 milyon kickback sa kanyang PDAF, mula 2004 hangang 2010.

Pelikula

Barbie Forteza, magkakaroon ba ng pelikua; sinong leading man?

-Jun Fabon