LOS ANGELES (AP) – Bigo ang basketball fans sa hinuha na muling magkakasama sina Isaiah Thomas at LeBron James sa Los Angeles.

Kaagad na pinutol ni Thomas – isang free agent – ang maiksing panahon sa tropa ng Lakers nang tanggapin ang alok na US$2 milyon para sa isang taong kontrata sa Denver Nuggets.

Ibinalita ni Adrian Wojnarowski ng ESPN ang kaganapan nitong Biyernes.

Matapos ang matikas na season sa Boston (2016-17), season, na-trade si Thomas sa Clevelang Cavaliers kapalit ni Kyrie Irving, subalit hindi siya lubusang nakalaro dahil sa natamong injury sa ‘labrum’.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Sa Nuggets, makakasamang muli ng 29-anyos playmaker ang dati niyang coach sa Sacramento Kings na si Mike Malone.

Lin, ober da bakod sa Atlanta

Sa Atlanta, Ibinalita ni Adrian Wojnarowski ng ESPN, na kinuha ng Atlanta si Brooklyn guard Jeremy Lin.

Nagtamo si Lin ang ‘torn patellar tendon’ sa opening night ng nakalipas na season sapat para hindi makalaro sa kabuuan ng 2017-18 campaign. Tangan ng undrafted Harvard product ang averaged 14.5 points, 5.1 assists at 1.2 steals kada laro.

Bahagi nang napagkasunduan ng Atlanta at Brooklyn ang pagbibigay sa future second-round picks.

Sa Washington, D.C., inihayag ni Washington Wizards President Ernie Grunfeld ang pormal na paglagda ni center Dwight Howard.

“Dwight has been known throughout his career as one of the league’s best defenders, rebounders and finishers around the rim, all areas that we needed to improve heading into next season,” pahayag ni Grunfeld. “His inside presence and athleticism will give us a much different look and will open up opportunities for us on both ends of the floor.”

Jerebko, nakuha ng GS Warriors

Sa Oakland, ipinahayag ng back-to-back NBA Champion Golden State Warriors ang paglagda ng kontrata ni free agent forward Jonas Jerebko. Hindi naman nagbigay ng kopya ng kontrata sa media.

Tangan ni Jerebko, 31, ang averaged 5.8 puntos o 46.6 percent shooting at 41.4 percent shooting sa three-point range, bukod sa 3.3 rebounds sa 74 laro sa kampo ng Utah Jazz sa nakalipas na season.

Gagamitin ni Jerebko ang jersey No. 21 sa Warriors.