SAO PAULO (AFP) - Inabsuwelto nitong Huwebes si dating Brazilian president Luiz Inacio Lula da Silva sa isa sa anim na kasong kanyang kinakaharap, na pawang walang kinalaman sa corruption charges na nagdala sa kanya sa bilangguan.

Nakakulong si Lula, 72 anyos, simula pa nitong Abril matapos hatulan ng 12 taong pagkakabilanggo sa pagtanggap ng apartment sa London bilang suhol mula sa Brazilian construction company na OAS.

Sa isa sa anim na pending cases, nagdesisyon si Federal Judge Ricardo Leite nitong Huwebes na walang sapat na ebidensiya para suportahan ang kasong obstruction of justice laban sa ex-president kaugnay sa Lava Jato (‘’Car Wash’’) corruption probe.
Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina