LONDON (AP) — Matapos ang apat na oras at 48 minuto nang walang puknat na aksiyon at tensyon, nakatindig na humihiyaw si Rafael Nadal. Ang kanyang karibal – si Juan Martin del Potro ay nakaluhod sa panghihinayang sa Center Court.

NADAL: Hataw uli sa Wimby.

NADAL: Hataw uli sa Wimby.

“I wanted to stay there,” pabirong pahayag ni del Potro. “Lll night long.”

Nararapat na maunawaan ang hapis ni Del Potro matapos ang makapighil-hiningang 7-5, 6-7 (7), 4-6, 6-4, 6-4 kabiguan kay Nadal nitong Miyerkules (Huwebes sa Manila) sa kanilang quarterfinal match.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“Emotional match for both of us,” pahayag ni Nadal, ranked No. 1 at seeded No. 2 at kampeon sa Wimby ng dalawang ulit sa kanyang 17 major championships.

Sunod na makakaharap ni Nadal ang mahigpit na karibal na si Novak Djokovic sa semifinals sa Biyernes (Sabado sa Manila). Ito ang ika-52 career meeting ng dalawang tennis greats.

Umusad si Djokovic, 12-time major champion, nang gapiin si Japanese Kei Nishikori.

“Against Rafa. You must go for winners all the time,” sambit ni Del Potro.

“Rafa is a fighter. Also, he has a fantastic game,” aniya.