SA pakikipag-usap namin sa VIVA producer na si Vic del Rosario, he announced the partnership between Cignal TV at Epik Studios sa Viva Entertainment para sa planong ibalik ang folklore comic characters.

Pinoy heroes

“We welcome the move dahil malaking capital ang kinakailangan just to produce a movie. We talk millions now,” sabi ni Boss Vic.

“Gusto naming ibalik ang mga folklore comic characters na hindi pinagsasawaan ng marami. Fantasy films has a strong attraction lalo na sa mga bata. Kailangan mahaba ang pisi ng producer dahil sa special effect involve,” dagdag pa niya.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Ang Cignal TV ang mamamahagi ng Pedro Penduko, na pinagbibidahan ni James Reid. Ang iba pang comic heroes na balak gawan ng pelikula ay ang Mariang Makiling at Bernardo Carpio.

Ayon sa research, mayroon tayong 50 folklore characters, na ang pinakasikat ay si Darna, na kathang-isip ni Mars Ravelo.

-REMY UMEREZ