Nagtipon kamakalawa ang mga sumusuporta sa federal form of government sa Quezon City para ilunsad ang Patido Federal ng Pilipinas (PFP). Dinaluhan ito ng mga kinatawan ng halos lahat ng siyudad sa Metro Manila, sa pangunguna ni QC Vice Mayor Joy Belmonte. Ayon kay Atty. George Briones, general council ng partido, nabahala sila na nababalewala ang isinusulong na federalismo ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Iginiit ng grupo na ang federalismo ang magsasalba sa kahirapan at magsusulong sa pag-unlad ng bansa dahil ang kayamanan, kaunlaran at hustisya ay pantay-pantay na pakikinabangan ng mamamayan sa Luzon Visayas at Mindanao.

Tiniyak ni Briones na maaprubahan ng Comelec ang PFP dahil magsisilbi itong partido ng pagbabago sa bansa.

-Jun Fabon
Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji