NGAYONG gabi ang premiere night ng much awaited movie nina Joshua Garcia, Julia Barretto at Kris Aquino na I Love You, Hater, sa SM Megamall Cinema 7.

Kris copy

Iisa ang tanong ng lahat, darating ba si Quezon City Mayor Herbert Bautista? Teka, inimbita ba siya?

Sa nakaraang tsikahan namin kay Mayor HB bilang blow-out niya sa mga nagdiwang ng kaarawan simula Hulyo hanggang Disyembre, sinabi niyang manonood siya sakaling imbitahan siya sa premiere night. So far, wala naman daw siyang natatanggap na imbitasyon.

Tsika at Intriga

Julia Montes banas sa tinulungan noon, sinisiraan na siya ngayon

Binanggit namin ito sa Star Cinema executive nang magkaroon ng pocket interview sina Joshua at Julia para sa pelikula nitong Sabado, at ‘tila nag-iisip ang kausap namin kung Star Cinema raw ba ang mag-iimbita o si Kris mismo.

Oo nga, dapat nga pala si Kris ang mag-invite kay Mayor Bistek bilang kaibigan, ‘di ba Ateng Jet?

Anyway, sa pa-Q and A ulit ni Kris nitong Sabado ay may nagtanong: “Who would you choose for a movie date? Mayor Herbert or Atty. @the.mightywarrior (si Atty. Gideon Peña)?”

Mabilis itong sinagot ng Queen of Online World at Social Media: “@the.mightywarrior definitely.”

Marami ang kinilig, kasi may mga boto rin kung sakaling magkaroon ng relasyon sina Kris at Atty. Gideon. Pero hindi naman nanliligaw kay Kris ang magiting na abogadong taga-Bicol.

“No. He is easy to love and respect but I feel we are meant to remain friends,” sabi ni Kris.

May pahabol na tanong kung inimbita ni Kris si Atty. Gideon Peña sa premiere night ngayong Martes? Kapag nagkataong naimbita rin si Mayor HB at parehong pumunta ang dalawa, ang tarush ni Kristina Aquino, lume-level sa JoshLia sa kilig.

Anyway, may pa-block screening si Kris ng I Love You, Hater sa Miyerkules, opening day, sa Trinoma Cinema, 12:00 noon.

-REGGEE BONOAN