CHIANG RAI (Reuters) – Walong batang lalaki at kanilang soccer coach na nananatiling nakakulong sa binabahang kuweba sa hilaga ng Thailand ang naghihintay ng pagpapatuloy ng rescue operation kahapon matapos matagumpay na mailabas ang unang apat na binatilyo na nasa maayos nang kalagayan ngayon sa ospital.

FOUR OUT! Nakaabang ang ambulansiya sa Tham Luang cave complex, para sa mga ililigtas na miyembro ng Wild Boar soccer team, sa Chiang Rai province ng Thailand, kahapon. Apat na ang nasagip at siyam pa ang naghihintay na makalabas sa binabahang kuweba. (REUTERS/Soe Zeya Tun)

FOUR OUT! Nakaabang ang ambulansiya sa Tham Luang cave complex, para sa mga ililigtas na miyembro ng Wild Boar soccer team, sa Chiang Rai province ng Thailand, kahapon. Apat na ang nasagip at siyam pa ang naghihintay na makalabas sa binabahang kuweba.
(REUTERS/Soe Zeya Tun)

Itinigil ang matapang at mapanganib na rescue sa mga binatilyo – nasa edad 11 hanggang 16 anyos – ng mission chief nitong Linggo ng gabi para mag-replenish ng oxygen supplies at gumawa ng panibagong paghahanda, na aniya ay aabutin ng 10 oras.

Sinabi ng mga awtoridad na maaaring aabutin ng tatlo hanggang apat na araw para makumpleto ang misyon.

VP Sara, dinamayan tauhan niyang nakadetine sa Kamara dahil sa contempt order

Kinailangang yakapin ng divers ang apat na batang lalaki para mailabas ang bawat isa at pinagsuot ang mga ito ng oxygen mask para makahinga nang normal, ayon sa mga awtoridad.

Bumuhos ang malakas na ulan kinagabihan sa Tham Luang Cave area sa hilagang Chiang Rai province ng Thailand, na lalong nagpatindi ng panganib sa tinawag na “war with water and time” para masagip ang mga binatilyo at kanilang 25-anyos na coach.

Sinabi ni Interior Minister Anupong Paochinda na ang mga nasagip na binatilyo ay nasa maayos nang kalagayan sa ospital, ngunit hindi nagbigay ng karagdagang detelye.

Hindi pinangalanan ng mga awtoridad ang unang apat na batang lalaki na nailabas sa kuweba. Ayon sa ilang magulang ng mga bata, hindi pa sinasabi sa kanila kung sinu-sino ang mga naunang nakalabas at hindi sila pinapayagang makabisita sa ospital.

Sinabi ng rescue mission chief na si Narongsak Osottanakorn, nitong nakaraang linggo na uunahin nilang ilalabas ang sa tingin nila ay malakas na ang pangangatawan.

Sinabi ni Somboon Sompiangjai, 38, ama ng isa sa mga nakulong na binatilyo, na sinabi ng rescuers sa mga magulang nitong Linggo bago ang operasyon na ang “strongest children” ang unang ilalabas.

‘NOT BAD’

Siyam na ambulansiya na may lamang stretchers at blue oxygen tanks ang naghintay sa cave area nitong Lunes ng gabi. Relaks ang kapaligiran at patuloy ang pagkilos ng mga sundalo, medics, engineers at volunteers.

Sinabi ng isang source sa Chiang Rai Prachanukroh hospital kung saan dinala ang unang apat na binatilyo na “not bad” ang kanilang kondisyon ngunit binabantayan ng mga doktor para sa anumang senyales ng mga bagong kondisyon gaya ng hypothermia.

Pumasok ang 12 miyembro ng “Wild Boars” soccer team at kanilang coach sa Tham Luang cave, noong Hunyo 23, ngunit inabutan sila ng ulan at hindi nakalabas ng kuweba. Natagpuan sila ng British divers makalipas ang isang linggong search operation.