GUANGZHOU, CHINA - Bumida si Pinoy fighter Robin Catalan sa opening match, habang kinapos si Team Lakay’s Gina Iniong via unanimous decision nitong Sabado sa ONE Championship: Battle for the Heavens sa Guangzhou Tianhe Gymnasium.

NAGBUNYI si Catalan nang ideklarang winner via second-round submission kontra Adrian Mathies. (ONE FC PHOTO)

NAGBUNYI si Catalan nang ideklarang winner via second-round submission kontra Adrian Mathies. (ONE FC PHOTO)

Sa main event, nagwagi ang 23-anyos na si “Killer Bee” Kai Ting Chuangng Chinese Taipei kontra sa liyamadong si Yodcherry Sityodtong ng Thailand sa five-round ONE Super Series Kickboxing title tilt.

Sa co-main event, agaw pansin din si Filipino-Australian dynamo Reece “Lighting” McLaren kontra Japanese veteran Tatsumitsu Wada sa ONE Flyweight World Championship.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Matapos ang palitan ng bigwas, nakakuha ng pagkakataon si Catalan para maipit ang karibal at makuja ang submission win kontra Mattheis.