Mga Laro Ngayon

(Cuneta Astrodome)

4:30 n.h. -- Alaska vs Phoenix

7:00 n.g. -- Globalport vs Ginebra

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

MAKALAMANG para sa nalalabing twice to beat incentive sa playoffs ang tatangkain ng Alaska, habang makasiguro sa playoff spots ang asam ng Ginebra at Globalport sa pagsalang nila ngayon sa penultimate day ng eliminations ng 2018 PBA Commissioners Cup sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

NAGLAMBITIN sa rim si Arwind Santos matapos makumpleto ang two-handed dunk para sandigan ang San Miguel Beer sa 115-106 panalo kontra Blackwater nitong Miyerkules sa PBA Commissioner’s Cup sa MOA Arena. (RIO DELUVIO)

NAGLAMBITIN sa rim si Arwind Santos matapos makumpleto ang two-handed dunk para sandigan ang San Miguel Beer sa 115-106 panalo kontra Blackwater nitong Miyerkules sa PBA Commissioner’s Cup sa MOA Arena.
(RIO DELUVIO)

Makakasagupa ng Aces ang naghahabol pa rin sa huling slot na Phoenix sa unang laban ganap na 4:30 ng hapon habang magtutuos sa huling laro ganap na 7:00 ng gabi ang Kings at Batang Pier.

Kasalukuyang nasa ikalawang puwesto ang Aces kasalo ng TNT Katropa taglay ang markang 7-3, kasunod ng namumunong Rain or Shine na may barahang 9-1.

Kung mananalo ang Aces, aangat sila kontra Katropa na may nalabi pang laro sa pagtatapos ng elimination round sa Biyernes kontra Elasto Painters kung saan kapag natalo ang TNT, ang Aces na ang kokopo ng No. 2 spot.

Kung mananalo kapwa ang Aces at Katropa, magtutuos sila para basagin ang pagkakatabla sa No. 2.

Kung makakasilat naman ang Phoenix tiyak ng makakahirit sila ng playoff para sa huling spot ng quarterfinals kontra sa matatalo sa labang Ginebra Globalport na kasalukuyang magkakasalo sa 6th hanggang 8th spot kasama ng Magnolia Hotshots.

Ngunit, kung matatalo ang Fuel Masters (4-6) makukumpleto na ang quarterfinal casts dahil uusad ang Kings, Batang Pier at Hotshots.

-Marivic Awitan