LONDON (AP) — Umukit ng marka si John Isner sa naiskor na 64 aces at naisalba ang dalawang match points para mangibabaw sa makapigil-hiningang 6-1, 6-4, 6-7 (6), 6-7 (3), 7-5 panalo kontra Ruben Bemelmans sa second round ng men’s singles sa Wimbledon.

“Certainly didn’t sleep like a baby last night,” pahayag ng No.9 seed at 33-anyos na American, patungkol sa larong natigil nitong Miyerkules dahil sa pagdilim ng kapaligiram.

“All the stuff is running through my head. I’m half asleep, I’m not really asleep. We have all been there. You have something weighing on you,” aniya. “But fortunately, I didn’t feel, like, tired today. I still had a lot of adrenaline running through my body.”

Tangan ni Isner ang 6-5 bentahe sa match point ng third-set tiebreaker, ngunit nagawang makaahon ni Bemelmans sa naiskor na winner tungo sa panalo sa naturang set.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Ito ang unang panalo ni Isner sa limang sunod na pagsagupa sa five-setters sa Wimbledon ( 2012, 2015, 2016 at 2017).

“Just him keeping his nerves really well. Props to him that he produced those serves,” pahayag ni Bemelmans. “There’s always a letdown when you miss those chances, but really, I didn’t miss them. He served them away. So it was not my fault. I could do nothing about it.”