MAY mga nagtatanong sa aming TFC subscribers kung kailan magsisimulang mag-shoot si Liza Soberano para sa Darna, dahil inaabangan na nila ito. Puro ang pag-eensayo lang daw ng aktres ang napapanood nila sa news program.

Liza Soberano copy

Ang alam namin ay tatapusin lang muna ni Liza ang Bagani bago siya mag-full blast sa shooting ng Darna. Hindi kasi puwedeng pagsabayin ang tapings at shooting dahil parehong madugo ito.

At kung tama ang narinig namin, sa Oktubre na uumpisahan ni Direk Erik Matti ang Darna, dahil tiyak na tapos nang mag-training ang lahat ng cast.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Mala-Marvel ang dating ni Darna, huh. Ang tagal ng preparations dahil two years in the making na ito.

Speaking of Bagani, lumabas na ang tunay na kulay ni Malaya (Kristine Hermosa) matapos niyang malaman na pinatay ng mga Bagani ang anak niyang si Sarimaw (Ryan Eigenmann). Bigla siyang nagwala at sumumpang matitikman nila ang kanyang lupit.

Tiyak na magugulat sina Ganda (Liza) at Lakas (Enrique Gil), dahil ang nakita nilang kabaitan sa kanila ni Malaya ay mapapalitan ng poot. Banta nga ni Malaya: “Matitikman n’yo ang batas ni Malaya!”

Pero mukhang hindi pa naman tuluyang namatay si Sarimaw, dahil sabi nga ni Kidlat (Rayver Cruz), “nagbalik na siya”.

Inakala kasi ng lahat na tahimik na ang Sansinukob, kaya naman binuksan na ng mga taga-Disyerto at Kapatagan ang pintuan nila para makapasok ang lahat. Ang hindi nila alam, may kalaban silang nasa paligid lang nila.

Mailigtas pa kaya nina Lakas at Matadora (Aiko Melendez) si Kidlat?

Ang nangyari kay Matadora noong nasa ilalim pa siya ng kapangyarihan ni Sarimaw ang nangyayari ngayon kay Kidlat. Kaya ang payo ng una kay Lakas ay dalhin ang kaibigan niya sa Gandara para magamot.

-Reggee Bonoan