ARGENTINA – Tuluyang nasibak sa FIBA U-17 World Cup ang Batang Gilas Philippine Team nang durugin ng Canada, 102-62, sa Round of 16 nitong Miyerkules (Huwebes sa Manila).
Malamya ang simula ng Batang Gilas na sumablay sa unang 14 na tira sa first quarter, sapat para makalayo ang Canada, pinangunahan ni Matthew-Alexander Moncrief, sa 26-7.
Naitala ng Batang Gilas ang unang puntos sa second period may 8:02 sa laro mula sa jumper ni Carl Tamayo.
Nanguna sa Pinoy si Gerry Abadiano ng National University na kumana ng 19 puntos mula sa 7-of-11-shooting.
Nangamote si Kai Sotto sa five-of-18 field goal para tumapos na may 16 puntos, walong rebounds, apat na assists, dalawang shot blocks, at dalawang steals.
Nanguna si Moncrief sa Canada sa naiskor na 22 puntos, 11 rebounds at tatlong blocks, habang tumipa si Benjamin Krikke ng 13 puntos at pitong rebounds.
Iskor:
CANADA (102) – Moncrief 22, Krikke 13, Sakota 10, McNeilly 9, Hylton 9, Hemmings 9, Patterson 8, Barthelemy 7, Houstan 5, Rathanmayes 5, Minnot 4, Bediako 1
PHILIPPINES (62) – Abadiano 19, Sotto 16, Cortez 10, Tamayo 7, Lazaro 4, Guadania 3, Andrada 3, Calimag 0, Fortea 0, Chiu 0, Padrigao 0, Pascual 0
Quarters: 26-7, 51-26, 77-46, 102-62