BINIGYANG-DIIN ng American television mogul na si Oprah Winfrey na hindi siya tatakbong presidente ng Amerika, at sinabing “it would kill (her)”, para matapos na ang espekulasyon na kakandidato siya sa 2020.

Oprah

Sa panayam ng British Vogue, nagsalita uli ang TV host-producer tungkol sa isyu, dahil kalat pa rin ang usap-usapan na nais niyang tumakbo para sa posisyon sa White House, kasunod ng kanyang speech sa Golden Globe awards.

“In that political structure—all the non-truths, the bullshit, the crap, the nastiness, the backhanded backroom stuff that goes on—I feel like I could not exist,” sabi ni Oprah sa magazine, kung saan siya na-feature para sa August cover nito.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

“I would not be able to do it. It’s not a clean business. It would kill me.”

Nakatanggap si Oprah ng standing ovation nang magsalita siya at suportahan ang mga biktima ng sexual misconduct sa kanyang acceptance speech sa Golden Globe para sa lifetime achievement, kung saan pinuri niya ang kababaihang inilantad ang harassment at pang-aabuso sa Hollywood at sa ibang industriya.

“People talk about ‘these are such dark times’, but what if we shift the paradigm? Because I see it differently,” sinabi ni Oprah, tinukoy ang #metoo at Time’s Up movements, sa British Vogue.

“I see, ‘Isn’t this remarkable that we’re waking up?’ For years, women have endured craziness. This is what’s happening to people. They’re allowing themselves to not just become corroded, but to become hysterical. You’ve got to lean to the happiness.”

Ibinahagi rin niya ang kanyang naramdaman at naranasan sa pagdalo sa kasal ni Prince Harry ng Britain sa aktres na si Meghan Markle noong Mayo.

Ang seremonya, kung saan nagsermon si African-American bishop Michael Curry tungkol sa kapangyarihan ng pag-ibig, ay napanood ng milyong katao sa buong mundo.

“It left me feeling that anything is possible through the power of love,” aniya. “Reverend Curry was right!”

-Reuters