Iginiit ni Senador Bam Aquino na ngayon ang tamang panahon para aksiyunan ng pamahalaan ang mataas na presyo ng bilihin at serbisyo sa gitna ng pagtaya ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na maaaring pumalo ang inflation rate ng hanggang 5.1 porsiyento sa buwan ng Hunyo at patuloy na paghina ng piso.

Kinontra ni Aquino ang pahayag ni Budget Secretary Benjamin Diokno na hindi makasasama sa bansa ang pagbaba ng piso.

“Pareho ang sinasabi ng datos ng gobyerno at karanasan ng maraming Pilipino, nalulunod ang taumbayan sa tumitinding taas presyo,” sabi ni Aquino, isa sa apat na senador na kumontra sa ratipikasyon ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.

Ayon pa kay Aquino, ang pagtaas ng inflation rate at humihinang piso ay sapat na dahilan para ipatigil ng pamahalaan ang TRAIN Law.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

-Leonel M. Abasola