Aabot sa 200 pamilya ang nawalan ng bahay sa pagsiklab ng apoy sa isang residential area sa Sampaloc, Maynila, nitong Linggo ng gabi.

Sa imbestigasyon ng Bureau o f F i r e Pr o t e c t i on (BFP) , sumiklab ang apoy sa panulukan ng Legarda at Delgado Sts., sa Sampaloc, dakong 6:23 ng gabi.

Makalipas ang isang oras ay itinaas sa ikalimang alarma ang sunog at kumalat ang apoy sa katabing gusali ng University of Manila-College of Law sa Delos Santos Street.

Tuluyang naapula ang apoy pagsapit ng 12: 47 ng madaling araw.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Mahigit 80 bahay, kabilang ang barangay hall sa lugar, ang naabo.

Patuloy na inaalam ang sanhi at halaga ng mga natupok.

-Hans Amancio