PARA mas mapalakas ang line-up ng Gilas Pilipinas laban sa Australai sa pinakahihintay na rematch para sa FIBA Asia qualifying window, dinagdag ni coach Chot Reyes sina point guard Baser Amer at forward Carl Bryan Cruz.

Pinalitan ng dalawa sina Jio Jalalon at Allein Maliksi, kapwa naglaro sa panalo ng Gilas sa Chinese-Taipei nitong nakalipas na lingo sa Taiwan, ayon kay Reyes.

Mananatili ang 10-man line-up ng Philipine Team laban sa Australia na pangungunahan nina NBA player Tom Maker at Delavedova.

Matikas ang panalo ng Gilas Pilipinas laban sa Taiwan na dinurog ng Pinoy sa 22 puntos, habang nasilat ang Boomers ng Japan, 79-78, sa teritoryo ng Japanese.

DepEd Sec. Angara na-starstruck kay EJ Obiena: 'We are proud of you!'

Kabilang pa rin sa Gilas na sumabak sa Taipei sina naturalized Andray Blatche, Jayson Castro, Terrence Romeo, June Mar Fajardo, Gabe Norwood, RR Pogoy, Troy Rosario, Matthew Wright, Calvin Abueva, at Japeth Aguilar.

Tangan ng Gilas Pilipinas ang 4-1 karta, katumbas nang marka ng Australia bago ang kanilang paghaharap ngayong gabi sa Philippine Arena sa Bulacan.

Nakataya sa rematch ng laban ang pangunguna sa Group B. Nagwagi angh Aussie sa unang paghaharap nitong Pebrero.