Ni Bella Gamotea

Napipintong magpatupad muli ng oil price hike ang mga kumpanya ng langis sa bansa sa susunod na linggo.

Sa pagtaya ng industriya ng langis, posibleng tumaas ng 40 hanggang 60 sentimos ang kada litro ng gasolina at diesel.

Ang nagbabadyang dagdag-presyo sa petrolyo ay bunsod ng pagtaas ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Hunyo 26 huling nag-rollback ang mga kumpanya ng langis makaraang magbawas ng P1.15 sa kada litro ng gasolina, 90 sentimos sa diesel, at 85 sentimos sa kerosene.

Samantala, asahan din ng consumers ang pagtaas ng presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) ngayong Linggo, Hulyo1.

Sa taya ng Department of Energy (DoE) sources, maaring madagdagan ng hanggang 85 sentimos ang kada kilo ng LPG, o katumbas ng karagdagang P9.35 sa bawat 11-kilogram na tangke.

Ang nakaambang taas-presyo sa LPG ay bunsod ng paggalaw ng contract price nito sa pandaigdigang pamilihan.