May panahon para manahimik.

Ito ang unsolicited advice kahapon ni Senator Aquilino “Koko” Pimentel III sa malapit niyang kaalyado na si Pangulong Duterte, kaugnay ng pagsasalita ng huli sa publiko.

Tinukoy ni Pimentel ang bersikulo sa Bibliya na una nang binanggit ni Duterte nang payuhan niya ang kanyang kaalyado kaugnay ng pagkokomento sa mga usaping walang kinalaman sa pamahalaan.

“Lately sinabi naman na meron siyang favorite Bible verse, na there is a rime for all seasons, there is a time to speak up, there is a time to keep quiet, so, i-apply na lang sa sarili niya,” sinabi ni Pimentel nang kapanayamin kahapon sa radyo.

National

PNP, nakasamsam ng tinatayang <b>₱20B halaga ng ilegal na droga sa buong 2024</b>

“There will be some occasions na ‘yung kanyang personal na pinaniniwalaan, pero kontrobersiyal naman, tapos hindi naman tungkol sa pagpapatakbo ng gobyerno, pagpapatako ng bansa, ay time to keep silent na lang sana ‘yun, pwede na hindi sabihin ‘yun,” ani Pimentel.

Matatandaang inulan ng batikos si Duterte matapos niyang tawaging “stupid” ang Diyos, na sinundan ng mga birada niya laban sa mga katuruan ng Simbahang Katoliko. Tumanggi naman siyang humingi ng paumanhin.

“Kapag magkikita kita kami pwede niya sa aming sabihin yung mga ganoon, lalo na yung yung mga hindi konektado sa pagpapatakbo ng Republika ng Pilipinas, pwedeng hindi na sabihin sa publiko ‘yon,” sabi pa ni Pimentel, presidente ng PDP-Laban. “There’s a time for everything. There is a time and situation to talk about it.”

Vanne Elaine P. Terrazola