Mga Laro Ngayon

(Semifinals)

Filoil Flying V Center

10 a.m. – Cignal vs PLDT (men’s)

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

1:45 p.m. – Creamline vs Pocari-Air Force (women’s)

3:45 p.m. – PayMaya vs BanKo-Perlas (women’s)

6 p.m. – Vice Co vs Air Force (men’s)

GUTOM ang top seed Creamline na makatikim ng titulo sa Premier Volleyball League, ngunit sapat naman ang karanasan na mayroon ang defending champion Pocari-Air Force para sa gagawin nilang tapatan para sa isang slot sa finals sa pagsisimula ng kanilang best-of-three semifinal series sa Season 2 Reinforced Conference sa Filoil Flying V Center sa San Juan.

Sa isa pang semifinals series, magtutuos ang BanKo-Perlas at ang PayMaya kung saan sasakyan ng Spikers ang momentum ng kanilang itinalang sweep sa nakaraang quarterfinals kontra sa second seed squad na gaya ng Cool Smashers ay galing sa mahabang break matapos nilang makamit ang unang dalawang outright semis seat.

Subalit, para sa mga maglalabang teams, walang nakakaangat at halos patas lamang ang laban.

“I think we’re just about even in manpower although they’ve got strong imports and PayMaya is a well-coached team,” ani BanKo-Perlas mentor Ariel dela Cruz.

“But I think we’re very active coming into the semis and the girls’ morale is very high after posting seven straight victories. It’s a big confidence-boost,” aniya.

Muling sasandigan ni dela Cruz, ang mga reinforcements na sina Lakia Bright at Jutarat Montripila sampu ng mga locals na sina Nicole Tiamzon, Sue Roces, Dzi Gervacio, libero Ella de Jesus at top setter Jem Ferrer.

Tiyak ding all out ang ipapakita ng High Flyers sa pamumuno nina imports Tess Rountree at Shelby Sullivan kasama ng mga locals na sina Jerrili Malabanan, Grethcel Soltones, libero Lizlee Ann Pantone at ace playmaker Jasmine Nabor.

Magtutuos ang dalawang koponan ganap na 3:45 ng hapon matapos ang unang laban ganap na 1:45 ng hapon sa pagitan ng Creamline at Pocari.

Inaasahang ibibigay lahat ni Alyssa Valdez, ang kanyang makakaya upang maihatid sa finals at bigyan ng unang titulo ang Creamline, kabalikat ang mga kakamping sina Michelle Gumabao, Risa Sato, libero Melissa Gohing,setter Jia Morado at mga reinforcements na sina Kuttika Kaewpin at Nikolina Asceric.

Sa kabilang dako, sasandalan naman ng Lady Warriors sina imports Arielle Love at Madeline Palmer at mga locals na sina Myla Pablo, Jeannete Panaga, Del Palomata, Angel Antipuesto, libero Jellie Tempiatura at playmaker Wendy Semana.

Mauuna rito, magtutuos ang , Cignal at PLDT sa Final Four ng men’s division ganap na 10:00 ng umaga habang magaganap ang isa pang semis game sa huling salpukan ganap na 6:00 ng gabi sa pagitan ng baguhang Vice Co at Air Force. (Marivic Awitan)