Nag-plead ng not guilty sa kasong plunder sina dating Bureau of Immigration (BI) Deputy Commissioners Al Argosino at Michael Robles kaugnay ng pangongotong ng P50 milyon sa mga inarestong Chinese sa paglabag sa immigration law ng Pilipinas noong 2016.

Bukod sa dalawa, not guilty plea rin ang plead ng dating pulis at presidente ng Asian Gaming Service Providers Assocaition, Inc. (AGSPA) na si Wenceslao Sombero, Jr. nang isailalim sila ng Sandiganbayan sa arraignment proceedings kaugnay ng nasabing kaso, at sa graft, bribery, at paglabag sa PD 46, na nagbabawal na magbigay ng regalo sa public employees.

Humiling na rin si Sombero ng piyansa ngunit iniutos ng anti-graft court na magsagawa muna ng pagdinig sa usapin sa Hulyo 13, 20 at 27, dakong 1:30 ng hapon.

Sa isasagawang bail hearing, inaasahang maghaharap ng pitong testigo ang prosekusyon.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Itinakda na rin ng korte ang pretrial sa Hulyo 6.

-Czarina Nicole O. Ong