NAGLIBOT kami kahapon sa ilang sinehan, tulad ng Trinoma, Eastwood, Gateway at Robinsons Magnolia, para alamin kung kumita ang dalawang local films na Walwal at The Write Moment.

Jerald & Valeen copy

Sa Trinoma, Gateway at Robinsons Magnolia, kung saan palabas ang Walwal, sinabi ng mga takilyera na mahina ang pasok ng manonood dahil sa panahon, pero baka raw lumakas ito this weekend.

Wala ngang masyadong tao sa mga nabanggit na sinehan, baka bukod sa maya’t mayang masama ang panahon ay may pasok ang mga estudyante, na sila naman talaga ang target audience ng Walwal, na idinirihe ni Jose Javier Reyes, produced ng Regal Films, at distributed ng Star Cinema.

Kalokalike ni Awra Briguela, mas maganda pa raw sa kaniya

Sad to say, hindi palabas sa Eastwood Cinemas ang Walwal.

Pero naniniwala kami na papasukin ang Walwal, dahil bawat miyembro ng cast ay may kanya-kanyang fans dahil pawang sikat naman sina Elmo Magalona, Kiko Estrada, Donny Pangilinan, at Jerome Ponce.

Mas nakakalungkot naman ang The Write Moment, dahil base sa nakarating na report sa amin, hindi man lang ito naka-P500,000 sa unang araw.

Todo-todo pa naman ang promote nina Valeen Montenegro at Jerald Napoles sa pelikula nila, pero parang hindi pa nga ito ang right moment na ipalabas ang pelikula nila.

O baka rin hindi pa ganun karami ang fans nina Valeen at Jerald.

Anyway, hindi lang naman ang Walwal at The Write Moment ang mahina sa takilya ngayong linggo, kundi lahat ng nagbukas na pelikula nitong Miyerkules, gaya ng Tag, Soldado at Adrift.

Anyway, magwi-weekend na at inaasahang dadagsain na ng mga manonood ang nasabing mga pelikula, kaya hindi pa rin kami nawawalan ng pag-asa.

-REGGEE BONOAN