April 16, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'Patron saint of exes b-day?' Netizens, inurirat si Claudine sa 51st na kaarawan ni Rico Yan

'Patron saint of exes b-day?' Netizens, inurirat si Claudine sa 51st na kaarawan ni Rico Yan
Photo courtesy: Claudine Barretto

Tila hindi napigilang uriratin ng ilang netizens ang inilabas na video ng Optimum Star at aktres na si Claudine Barretto para sa ika-51 na selebrasyon ng kaarawan ng pumanaw niyang dating kasintahan na si Rico Yan. 

Ayon kasi sa inupload na video ni Claudine sa kaniyang Facebook account nitong Sabado, Marso 14, 2026, mapapanood ang pag-alala niya sa kaarawan ni Rico. 

“Hello, everybody. It’s March 14 and it’s the 51st birthday of Rico Yan,” pagsisimula niya. 

Nagawa ring magpasalamat ni Claudine sa Illo’s Party Trays na silang nagdala ng mga pagkain sa Antipolo para maipagdiwang ang kaarawan ng nasabing aktor. 

“Thank you so much to Illo’s for bringing all these food dito sa Antipolo para lang makain namin lahat dito sa set,” anang aktres. 

Tsika at Intriga

Away-Kapamilya! ABS-CBN nagsalita sa isyu ng 'shut down,' alitan ng pamilya Lopez

Matatandaang nagbigay rin ng effort si Claudine para magsagawa ng surprise dinner sa kaarawan ng ex-boyfriend niyang si Mark Anthony Fernandez noong Enero 19, 2026. 

“Happy Birthday, M.A. Fernandez. Surprise!!!!. Thank you, Chef N & Ms.Anne of illos! Best birthday daw nya ever!” saad ni Claudine sa kaniyang Instagram post noon. 

KAUGNAY NA BALITA: Claudine, sinorpresa ex-jowang si Mark Anthony; netizens, umaasang magkabalikan sila

Samantala, sa post naman ng nagngangalang “Auntie Selina” sa “X” nito ring Miyerkules, tila kinuwestiyon niya ang video ni Claudine at kung ito ba raw ay isang patron saint sa pagdiriwang ng kaarawan ng kaniyang mga dating karelasyon. 

“Is she the patron saint of exes for celebrating their birthdays?” anang uploader. 

Tila hindi rin naman napigilan ng netizens at nagbahagi rin sila ng kanilang reaksyon sa video ng aktres. 

Narito ang ilang komentong iniwan ng mga tao sa post ng nagngangalang “Auntie Selina”: 

“KSP. Kung totoong sincere sya she depicts she is, walang camera, wala posts at walang clout.” 

“Hahaha kakatapos lang nya paghanda si mark now si rico yan naman ang generous nya talaga hahaha” 

“Patron saint of KSP. Sure na.”

“Infairness parang bumata siya ganda niya” 

“This is insane. She should get help. Did she even think of her kids feelings.?” 

“kawawa nmn si Rico Yan...d pinatatahimik http://nito.Im sure pamilya at kaibigan ni Rico Yan nakataas ang kilay” 

“Wala namang problema if cinecelebrate nya bday ng ex nya until now pero okay pa ba sa family ni Rico na lagi nya toh ginagawa sa kaanak nila? I bet not choice na lang sila or sinasakyan na lang nila trip ng babaeng toh kahit na alam nilang matagal na patay anak nila” 

“anong problema if mag ce-celebrate sya ng birthday ng ex nya? if wala naman syang hiningi or pera nya yan let her be lol HAHHAH mga pinoy talaga e nu” 

“antehhhh mentally, naging britney spears na siya huhuhu what happened to her” 

Habang sinusulat ito, umabot na sa mahigit 83K views at mahigit 1k reactions ang naturang post ng netizen. 

MAKI-BALITA: Claudine sa ex na nakikipagbalikan sa kaniya: 'Wala akong binabalikan!'