Hindi na muna huhulihin ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang mga tricycle na dumaraan sa Katipunan Road sa Quezon City.
Ito ay matapos payagan ng MMDA ang kahilingan ni Department of Public Order and Safety (DPOS) head Elmo San Diego, na ipagpaliban ang panghuhuli sa pumapasadang tricycle sa naturang main road habang pinag-aaralan pa ng binuong Technical Working G r o u p ( T W G ) a n g mga alituntunin sa nasabing usapin.
Pinag-aaralan na rin ng TWG, sa pamumuno ni San Diego, kung saang ruta ang ibibigay sa mga tricycle upang hindi na dumaan ang mga ito sa national road.
“Pero, tuloy ang kanilang panghuhuli, gayundin ng MMDA sa mga colorum at overloaded na tricycle, katulad ng mga tricycle na nagsasakay ng mga mag aaral,” pahayag ni San Diego.
-Jun Fabon