NAKOPO ng Team Philippines, sa pangunguna nina Woman FIDE Master Shania Mae Mendoza at Daniel Quizon, ang overall championship sa blitz section ng ASEAN+ Age Group Chess Championships kahapon sa Royal Mandaya Hotel sa Davao City.

Ginapi ni Mendoza si Vietnamese Woman International Master Nguyen Thanh Thuy Tien sa premier girls’ U20, habang binasura ni Quizon si Jasper Faeldonia sa open U14 para sandigan ang bansa sa gold medal finish.

Kapwa naitala nina Mendoza at Cuizon ang tig-apat na gintong medalya kasama ang napagwagihan sa individual at team golds sa standard division at individual at team mints sa rapid section.

Pinangunahan nina Mendoza at Cuizon ang ratsada ng Team Philippines para ungusan ang Vietnam, 17-12, sa torneo na inorganisa ng Chess Events International, at sanctioned ng NCFP sa pakikipagtulungan ng Philippine sports Commission at Davao City Mayor Sara Duterte.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Nagwagi rin ng gintong medalya sa individual event sina Ruelle Canino (girls U10), Rhenzi Kyle Sevillano (U20), Darry Bernardo (U18), FM Alekhine Nouri (U16), Francois Marie Magpily (girls U16) at WFM Allaney Jia Doroy (girls U18).

Sa kabuuan, naagaw ng Vietnamese ang overall championship tangan ang 60-35 medalya laban sa Pinoy.